Thursday, May 12, 2005

Kwentong Freshman

  • Papunta ako nun sa UP para mag-attend ng freshmen orientation. Strike 1: Wala pa sa Philcoa ay panay ang tingin ko sa paligid na para na kong bababa sa tabi na lang. Tumingin naman sa ‘kin ang drayber baka sakaling papara na ‘ko. Pero hindi, nakaupo lang ako dun na parang nawawala at tinatandaan ang circle. Habang nasa jeep ako, kinausap ko yung katabi kong hindi ko naman kilala. “Excuse me, alam mo ba kung asan yung Benitez Hall?” Strike 2. Kilala ang bulding na yun bilang educ at hindi Benitez Hall. Sagot naman ng katabi ko, “ah, oo. Dun din ako papunta.” Sa isip ko lang, yes! Freshman din! “So Freshman ka din?” Tanong ko. “yup”. Sagot naman niya. Naghahanap na ng damay kung sakaling mawala at hindi makababa sa Benitez Hall. Dumaan na ng AS nang sinabi ng katabi ko na malapit na. Kung hindi ka madalas sa UP, hindi mo malalalamang ang jeep ay nagbababa sa may waiting shed lang. Ito na ang Strike 3. Dumaan na ng PHAN. Walang bumaba. Pagdaan ng Educ… “mama’ para po.” Sabi ng katabi ko. Hindi pa rin tumigil ang jeep. Sumunod naman ako, ”mama’ para po.” Wala pa rin. Nagsisunuran na ng pagpapara na parang nagpapanic na ang mga nakasakay sa jeep at handa ng tumalon. “Wala hong babaan dyan”. At tumahimik ang lahat.

  • Sa unang sem ko palang, nag-cancel mat na kagad ako. So, pumunta ako sa OUR. “Excuse me po, pano kop o maka-cancel itong nakalagay sa Form 5 ko?”
    “Ah, kuha ka change mat.”
    (Sa isip ko lang..anong change mat?? Change mattress? Change matrikula?? Tama ba pagkakarinig ko?)
    “Ano po?”
    “Change MAT.”
    “Saan po makakakuha nun?”
    “Sa college mo.”
    “College?”
    (Ang dami talagang tanong pag freshman)
    “Oo.” (Nahahalata na niyang hindi kami nagkakaintindihan) “Ano bang course mo?”
    “Business Economics po.”
    “Ah. Sa econ ka humingi ng change mat.”
    Kahit na sinabi niya yun, hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko sa econ at hindi ko pa alam nun na meron palang SE101. Pero nakaligtas ako at nabigyan ako ng recycled green paper na kailangan ko.
    Iba naman ang problema. May blangkong hinihingi ang college mo. Huh? College? ‘Di ba lahat kami taga-UP? Hindi siguro yun. Masyadong tanga ang tanong kung ganun. Better make sure.
    “Excuse me, college?”
    “School of Economics”
    “Ah, ok. Thanks!”
    Pagkatapos, nagpunta nako sa gym kasi kailangan ko daw hanapin yung prof o kung sino mang pwede mag-sign ng cancel mat ko. Laging may kulang kaya pabalik-balik ako ng econ at hk. At bilang freshmen na hindi pa alam ang mga daan, ikot lang ako ng ikot kahit mas malapit kung magto-toki ako pabalik ng econ. Ang tagal tuloy ng travel time. Pero nakaraos din. Success ang cancel mat!

  • Pumunta ako ng infirmary para sa medical exam at hindi ko na ikukwento. (Ang taray nung asa front desk ha. Nanghiram lang ako ng ballpen at nagalit sa ‘kin. )Pabalik na ‘ko sa econ pero hindi ko alam kung pano. Lapit ako sa guard at nagtanong. Sagot naman sya, “pwede ka sumakay ng katipunan o kaya mag-tuke ka.” Hindi ko naintindihan kung paano ako magtu-tuke kaya nagtanong nalang ako sa iba.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home